Martes, Disyembre 27, 2011

Bagyong Sendong Sagip Kapamilya




Disyembre 16 ng taong 2011, 9 na araw bago ang pagsapit ng pasko, hinagupit ang Cagayan at Iligan ni bagyong Sendong. Maraming nasira na buhay, maraming mga namatay. Naitalang may 1,300 na ka-tao ang namatay at missing parin. 12 midnight nang binaha ang halos 40 barangay sa Cagayan. Bilang Atenista at concern FILIPINO citizen ng bayan na ito, ako po ay nagpasyang mag volunteer sa SAGIP KAPAMILYA ng ABS-CBN kasama ng mga kaibigan ko at mga schoolmates. Nais kong makatulong kahit papaano.




 Hanggang ngayon, ang pinakailangan ng mga taga-Cagayan at taga-Iligan na mga biktima ng bagyo ay basic needs tulad ng tubig (potable/malinis na tubig), -simula na kasi nong bagyo, nasira ang mga linya ng tubig, pagkain (relief goods), mga damit (naglaho na kasi ang kanilang mga damit, at wala paring maayos na paliligo ang karamihan ng biktima). Sa SAGIP KAPAMILYA, tumulong ako sa REPACKING ng mga used clothings na dinonate ng ating mga concern citizens. (Of course, nagdonate rin ako.) Pinaalam ko sa aking mga kapamilya at kapitbahay ang pagvolunteer ko. 

*Photo credits to ADDU Samahan team 


Sa isang araw na experience ko sa pagvolunteer sa SAGIP kapamilya, na-realize ko kung anong hirap na lamang ng mga kababayan natin ang kanilang pinagdadaanan lalong-lalo na ngayon ay pasko. Papaano pa kaya sila magdidiwang ng pasko? May pag-asa pa kaya silang pinanghahawakan sa ngayon? Pero alam niyo, proud ako sa mga volunteer, dahil sa kabila ng pagod at init sa pagbabalot ng mga damit para ipadala sa mga nasalanta sa bagyo, NAGKAKAISA ang PILIPINO sa tuwing may mga unos na katulad nito. Nakakalungkot man isipin na wala nang matirhan ang karamihan, pilit parin natin sila tutulongan na bumangon dahil nasa dugo na natin ang pagka-PILIPINO.


Nakakatuwang isipin na ang ibang mga bansa ay nag-abala pang mamahagi ng tulong financial para sa mga taga-Cagayan at Iligan, sa mga nasalanta ng bagyo. Para sa akin, lubos-lubos na pera na iyun para makabangon sila. Sana hindi kurakotin ang mga malalaking halaga ng pera na ipinagkaloob sa atin ng mga taga-ibang bansa dahil para yun sa mga biktima ni bagyong Sendong at hindi pambulsa!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento